Today, i learned something not really new in me… but probably a confirmation of who i am in terms of what causes my annoyance.
- I am so annoyed with dishonesty. I despise dishonest people (in a way that these people tend to make stories, sabi nga ng teacher ko noong grade school e -”story telling a lie”). Yun bang huling huli na e… hahanap pa rin ng butas. Then i saw myself reacting and from the window looking at a bigger picture of how this lie (with the liar of course), can actually make an impact not only to me but to the person, her job and her company…. ayun, naurot ako.
- I am still very much in touch with my principles pala… naalala ko tuloy ang aming mga awitin noon.. “Manggagawa, kayong lumilikha ng yaman ng bansa… ” . I noticed that there were times na ako na ang tinitira, o ako na ang nilalait o dinudusta e di ako napipika at hahanap pa ako ng rason at bibigyan ng justification kung bakit kailangang gawin yon sa akin (hindi nga ako nakautang kanina sa coop namin e, kailangan daw akong interview ng loans officer , di man lang ako namukhaan ng teller kanina, gumanda siguro ako… likha ko pa naman yong inaawit nilang himno tuwing umaga sa kooperatiba…, hinayaan ko na lang, uutang na lang ako sa boss ko – bibili lang naman ako ng jetski e) pero pag yong isyus pala e patungkol sa prinsipyo at pang-aapak ng ibang tao ng walang pag-iingat o pagsasalikisik sa mga isinusulat o tinuturan … annoyed ang lola mo. Lalo na don sa mga taong, nagmama eksperto sa mga isyus (nakabasa lang o nakarining ng konti), tas kinakarir ito, hay naku.. imbiyerna ang lolang ito.
Im on my 17th hour from my 6am travel to Bulacan, to my recently concluded concall with Canada and down to our polishing our presentation for our visitors tomorrow afternoon…. And im still on the GO….
Am i annoyed cause im still awake? NAHHHHH…. I am ann0yed, because after the dark clouds and heavy rains this afternoon comes the heat again… un!